BBM leads in straw votes among union workers

NUMBER ONE si presidential candidate Bongbong Marcos sa mga straw polls na isinasagawa sa mga unionized workers matapos ang kanilang mga meetings na aking nasaksihan nitong November at December 2021.

Napakalayo ng agwat ni BBM sa isa pang presidential candidate na si Leni Robredo na pumapangalawa sa pitong presidential candidates na pinagpilian nila. Napakalaki ng lamang ni BBM kay Leni kung kaya’t hindi na kailangan banggitin pa kung sino ang pangatlo, pang-apat, panglima, pang-anim at pang-pito.

Ang ballot ay isinasagawa tuwing matapos ang meeting ng mga unionized rank-and-file workers in manufacturing, service and agriculture sectors. Ang mga participants ay binubuo ng babae at lalaki na mga opisyal at mga miyembro ng iba’t ibang unyon sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang mga unionized workers na ito ay may edad 21 years old pataas at pawang mga regular workers ng iba’t ibang kumpanya sa tatlong major sectors.

Ang tanong: Bakit si BBM ang pinili nila? Sa aking pagtatanong sa ilan sa mga bumoto, lumalabas na hindi nila type ang kandidatong upak nang upak at pilit na sinisiraan ang ibang kapwa kandidato. Ang sabi ng isa, kapag si Leni raw ang manalo at maupo wala daw gagawin ang ale kundi habulin nang habulin ang mga Marcos at pagbayarin ang mga ito ng kanilang mga kasalanan sa bayan kabilang na si BBM.

Sa halip, ang importante daw sa panahon ngayong matindi at laganap ang kahirapan ay kung ano ang gagawin at papano tayo makakaahon sa pandemic health and economic crises na dinadanas natin lahat. Another groups of unionized workers will hold more meetings. Tingnan natin kung ano ang resulta ng straw ballots nila. Abangan!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]