“I’m a professional. I’m a lawyer. I know the Bill of Rights.”
‘Yan ang sinabi ni Congressman-elect Crispin “Boying” Remulla sa Dateline Philippines ng ANC nitong March 24, 2022.
Hiningan siya ng reaksyon sa pangamba ng mga kritiko na gagamitin nya ang tinanggap na posisyon bilang Justice Secretary laban sa mga ni-red tag niya nung election campaign.
Monday, May 23 kinunfirm ni Remula na tinanggap niya ang offer ni Marcos Jr. na maging kalihim ng Department of Justice.
Ang red-tagging daw ay political term at inilalantad lang nya ang mga ito. Nagsasabi lang daw siya ng totoo.
Nangako siya na hindi niya gagamiting sandata ang DoJ laban sa mga kalaban niya o ng gobyerno.
Maganda at nakakapanatag ng kalooban ang mga sinabi ni Boying Remulla. Char!
Kabaligtaran kasi ito sa nararamdaman ng mga tulad ni Ana Patricia Non na nagpasimula ng community pantry.
Nang kunan siya ng reaksyon ng Philippine Daily Inquirer, sinabi ni Patreng na hindi siya komportable kay Remulla bilang justice secretary.
Inakusahan kasi ni Remulla na ang community pantry initiative ay may political agenda at ginagamit para batikusin ang pagresponde ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
“[Hindi] ko alam kung anong justice system ang magkakaroon tayo,” pagdududa ni Patreng.
Ni-red tag din ni Remulla ang mga dumalo sa Leni-Kiko campaign rally sa Cavite noong March, 2022 at nagtrending pa sa Twitter ang #boyingsinungaling.
Read: https://rapidnewsonline.com/remulla-no-1-trending-sa-twitter-bilang-boyingsinungaling/?amp=1
Sa pamamahala ng mga Remulla sa Cavite, naitala rin ang maraming kaso ng extrajudicial killings bunsod ng tokhang operations at kampanya ng gobyerno laban sa komunismo.
Read: https://drugarchive.ph/post/14-antidrug-dataset-public-info-killings
Sino ang makalilimot sa pagkamatay ng 14-year-old na si Sean Christian Martinez sa isa umanong police encounter dahil umiiwas daw siya at kasama habang sila ay naka-motor sa checkpoint ng tokhang operations sa Dasmariñas City, Cavite, noong March 2018.
Read: https://www.rappler.com/newsbreak/iq/179234-minors-college-students-victims-war-on-drugs-duterte/
Sumabog din ang balita ng pagpatay sa organizer na si Emmanuel “Manny” Asuncion sa upisina ng Workers’ Assistance Center (WAC) sa Dasmariñas, Cavite.
Ito’y maski may search warrant para sa bahay nila sa Rosario, Cavite.
Si Asuncion ay labor at multi-sectoral leader sa Cavite. Coordinator rin siya ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN-Cavite) at advocate ng minimim wage hike para sa mga manggagawa.
Kasama ang operations sa Cavite sa tinawag na March 7 Bloody Sunday noong 2021 dahil siyam na aktibista kasama si Asuncion, ang napatay sa mga raid sa iba-ibang probinsya ng Calabarzon.
Isa si Boying Remulla sa aktibo at pangunahing pumatay sa ABS-CBN franchise renewal bill sa Kamara kaya isinara ang largest tv network sa Pilipinas at nawalan ng trabaho ang mahigit apat na libong manggagawa.
Read: https://www.manilatimes.net/2020/09/01/news/top-stories/abs-cbn-lays-off-4000-workers/762021/amp
At ngayon nga, May 25, lumabas sa Inquirer na binanatan ni Remulla ang media at pinuri ang social media sa mga serye ng interview ng One News Ph.
E di ba toxic nga ang socmed sa disinformation, misinformation at fake news at ginagawa pang source ng balita.
Read: https://newsinfo.inquirer.net/1602025/incoming-doj-chief-remulla-chides-media-lauds-social-media
Kinastigo ni Remulla ang media na dapat wag hanapan ng anggulo o slant at propaganda ang isang balita para lang makabuo ng istorya.
Binanatan ni Remulla ang “big corporations coupled with big media” bilang biggest enemy of the state dahil may “habit of bashing nation states.”
E sino bang big corporations na ito na merong big media?
Si Pangilinan ba ito na may-ari ng PLDT, Smart, Meralco, Maynilad, Metro Pacific tapos may-ari ng TV5, Cignal, PhilStar, BusinessWorld, stakes sa Inquirer, etc.?
Sina Lopez ba ng ABS-CBN na nasa power at energy, property development, financial services at manufacturing?
Read: https://www.tatlerasia.com/people/oscar-lopez
Ang Rufino-Prieto ba na may-ari ng Inquirer group at nasa real estate din?
Read: https://www.rappler.com/business/175896-fast-facts-philippine-daily-inquirer-prieto-family/
Pagkabanat sa media sabay puri sa social media si Remulla:
“Ang maganda na lang meron tayong (the good thing is we have) social media which equalizes everything,” hirit ni Remulla.
Totoo naman na dahil sa social media, nagkaboses ang masa, nademocratize and free expression sa platforms.
Pero iba ang news media sa social media.
Ang news media ay aktwal na kumukuha ng mga balita at pangyayari at official source ang mga sangay at ahensya ng gobyerno.
Lumalabas ito sa iba-ibang platforms tulad ng tv, radio, online at pahayagan o magazine.
Chini-check at double check ang mga datos, impormasyon, litrato at video bago ilabas sa tv, radyo, online at dyaryo.
Ang social media ay posts at engagements ng sari-saring tao at grupo sa lahat ng mga bagay, lugar, tao o pangyayari na pwedeng pag-usapan.
Hindi napo-proseso o dumadaraan sa double, triple checking ang mga impormasyon, video, litrato o datos kaya nalulusutan ng fake video, photoshopped pictures, mali o pekeng impormasyon.
Kaya hirap wariin at nakakalungkot na ganyan ang pagtingin ni Remulla sa media vs social media.
Naging congressman at posibleng maging justice secretary na:
1. hindi naiintindihan ang papel ng media bilang watchdog ng taumbayan sa gobyerno; at,
2. mas naniniwala sa social media na hindi nabe-verify ang facts at information.
Dapat makita niya ang malaking pagkakaiba.
Dahil tungkulin niya kung matutuloy siyang justice secretary.
Pero kung pagbabasehan ang mga pahayag nya sa SMNI News noong January 2022, naniniwala siya sa gustong paniwalaan.
Ganun ba dapat ang justice secretary o injustice secretary?
Patungkol sa ABS-CBN franchise sabi ni Remulla, “bakit ibibigay sa isang nagba-violate at nambubully pa? Mabuti na lang wala sila.”
Yung mga argumento niya na ang Kapamilya network had major violations ay napatunayang mali at walang basehan ng iba-ibang ahensya ng gobyerno na kinuhang testigo sa congressional hearing sa franchise.
Kasama na sa pinawalang saysay na akusasyon nina Remulla ang hindi nababayarang buwis at foreign ownership.
Totoo na marami ang contractuals sa ABS-CBN:
1. Pero si Ferdinand Marcos ang nagpromotor nito sa kanyang Presidential Decree 442 noong 1974;
2. Alam n’yo ba na gobyerno ng Pilipinas ang may pinakamaraming contractuals sa buong bansa na mahigit 700,000?
Read: https://www.pna.gov.ph/articles/1100573
3. Ang usapin ng contractuals na dapat ay nireregular ay sine-settle sa Department of Labor at hindi sa Congress.
Halos lahat ng manggagawa na hindi naregular after six months to one year at nagdemanda sa ABS-CBN dahil lumalabag sa ito sa Labor Code ay nananalo.
Ganun din ang mga contractual o talent ng GMA 7 at Channel 5 na nagdemanda noon at nanalo hanggang sa Supreme Court.
Kaya higit sa lahat, hindi mapatatawad sina Remulla ng higit 4,000 nawalan ng trabaho sa ABS-CBN dahil sa malinaw nilang panunupil nina Duterte sa malayang pamamahayag.
Kaya paano mapaniniwala ni Remulla ang mga tao na mapanghahawakan nya ang sinabi niyang:
“I’m a professional. I’m a lawyer. I know the Bill of Rights,”
1. kung sa kaso lang ng ABS-CBN, ay hindi niya tinatanggap ang tamang information at katotohanan na sinabi ng kapwa niya opisyal ng gobyerno sa hearing ng Kamara noon na walang utang na buwis o hindi foreigner ang ilang nagma-may-ari ng network?
2. At kung malalim, baluktot at nagkikimkim ng galit ni Remulla sa Kapamilya network:
For the past 33 years, since the passage of the 1987 Constitution, ABS-CBN has implanted into the public’s pysche the abuse, corruption and stupidity of Congress and government officials and workers.”
Ang mas nakakatakot nga ay nang klinaro nya – na hindi nya intensyon na i-regulate ang media at umaasa na hindi gagamiting sandata ang media.
Dahil ba pwede nyang ipa-regulate ang media kung sa tingin niya ay nagagamit ang media laban sa katulad niya?
Lalo na kung hindi pa naman siya naaaprubahan ng Commission on Appointments (CA) at nagpapa-cute lang sa mga statement nya sa ngayon para mabasa at mapaniwala ang magiging CA members.
At bago siya pumasa sa CA, kailangan mabuo muna ang body, at bago mabuo ang CA, dapat, settled na kung si Marcos Jr nga ang nanalo. E sa assessment ko hindi nanalo si Marcos Jr.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]