Dapat na nga bang bakunahan ang mga sanggol, bata at kabataan edad isa hanggang 17?
“To be or not to be, that is the question.”
‘Yan ang linya ni Hamlet sa Act 3, Scene 1, nobela ni William Shakespeare na isinulat bandang 1601.
Nagmo-moment kasi si Hamlet tungkol sa buhay-buhay ng tao, kamatayan at suicide.
Tinitimbang niya ngunit parang kulang ang halaga ng buhay.
Well, mga kapubliko, na-mention ko yang kay Shakespeare dahil ang extraordinary situation natin ngayong pandemic, ay nangangailangan ng extraordinary efforts at solution para malampasan at maka-move on na ang buong world.
Kung maalala nyo, sa online briefing ni vaccine czar (? – pwede tigilan na paggamit ng czar) Carlito Galvez Jr. noong June 1, inaasahan niya na mababakunahan ang “29 million na pediatric sector by September or October.”
Lahat ng bakuna ngayon except for Pfizer-BioNTech, ay para lang sa 18 years old pataas.
Hirit nga ni Galvez na mag-apply ng emergency use authorization (EUA) ang Pfizer-BioNTech para sa 12-15 years old.
Ang US at Canada raw ay nagsimula nang mag-injection ng mga bata edad 12 years pataas.
Katuwiran ni Galvez, ang pagbakuna sa malaking bilang ng populasyon ay nagtitiyak na masusugpo ang COVID-19.
Di nga?
Pero nauna riyan, sinabi na ni Health Secretary Francisco Duque III, na hindi pa maisasama ang mga bata dahil limitado ang supply ng bakuna.
Okay na sana, kaso, Hari ng Sablay talaga si Duque na idahilan ang limitadong supply imbes ang safety, efficacy o pagiging epektibo ng bakuna.
Asa pa.
Kayo na nga lang may scientific training sa kalusugan, hindi pa gamitin.
Ang hamon kasi natin- sapat-sapat na ba ang clinical tests na ginawa ng Pfizer-BioNTech para ipakalat at eventually, pagkakitaan ang bakuna sa mga bata?
While least silang mahawaan ng COVID-19, napaka-fragile ng pisikal na tayo ng mga bata – ibig sabihin, susceptible o madali silang maapektuhan ng anumang pwedeng epekto ng bakuna sa mura nilang pangangatawan.
Ilang linggo matapos payagan ng US FDA noong May 10 ang pagbakuna ng Pfizer-BioNTech sa 12 years old pataas, namonitor ng US government ang dose-dosenang kaso ng myocarditis o pamamaga ng heart muscle.
Sa kanyang report na lumabas sa Los Angeles Times nito lang June 18, sinabi ni science and medicine editor, Karen Kaplan, na ang myocarditis ay karaniwang nangyayari sa mga may edad na lalaki, tatlo o apat na araw matapos ang pangalawang dose.
Lahat naman daw ng kaso ay mild at nagamot agad nang walang delikadong epekto sa puso.
Hindi malinaw kung ang myocarditis ay side effect ng bakuna o nagkataon lang.
Sabi ni Kaplan, nagpapalalim na sa mga kasong ito ang mga expert.
Ang nakakabahala sa report ni Kaplan, as of June 10, dumoble pa ang dami ng myocarditis at kaugnay na kondisyon na pericarditis (pamamaga ng tissue sa paikot ng puso) sa mas batang populasyon na 30 years old pababa.
Ayon yan kay Dr. Tom Shimabukuro, deputy director of Immunization Safety Office, ng Center for Disease Control.
May isang doktor, si Jodie Votava-Smith, pediatric cardio sa Children’s Hospital Los Angeles ang may pasyenteng nagkaron ng myocarditis matapos ang isang dose. Sabi sa report, Ibuprofen ang nakagamot.
Pero take note, pabor si Dr. Jodie na mabakunahan na ang mga bata.
Pero esep-esep din – dahil public health emergency, hindi dumaan sa standard at mas matinding eksaminasyon at clinical tests ang mga bakuna.
Kung babalikan natin ang tanong ni Prince Hamlet sa nobela ni Shakespeare:
“To be or not to be?,” o para mas gets ninyo, “To live, or to die?”
Ang tamang sagot ay, “To be” o “To live.”
Mahalaga ang buhay ng tao lalo na ng mga bata.
‘Wag madaliin ang pagbabakuna sa kanila.