ANDAMI na naman kiyaw-kita ng mga madadaldal tungkol sa inutang ng pamahalaan na daang milyong dolyar pambili ng bakuna kontra COVID-19.
Pinakamalakas na sigaw ay busisiin ang paggastos dito dahil baka ninakaw na ng mga opisyal ang perang inutang para sa politikal na ambisyon nila.
Nakakainis madinig ito sa bunganga ng mga dating opisyal ng bansa at mga oposisyon dahil alam naman nila ang katotohanan sa mga utang na ito.
Pero para sa kalinawan ng taumbayan, lilinawin natin kung paano ang sistema pag umuutang tayo para sa bakuna. Real talk ho ito, hindi libreng laway lang (Free Spits).
Ang pag-utang natin para bumili ng bakuna kontra Covid-19 ay parang umutang tayo ng pambili ng kotse o bahay.
Hindi natin nahahawakan ang perang inutang kung bibili tayo ng bahay o kotse. Agad itong ibinabayad doon sa kumpanya na bibilhan natin ng bahay o kotse.
Kahit kailan ay hindi pa ako nakaranas ng sitwasyon na ibinigay ang pera sa akin ng bangko para bumili ng kotse o bahay.
Laging deretso ang pera sa pagbibilhan at ang nakukuha natin ay ang kotse o bahay na.
Ganun din ang sitwasyon sa pag-utang natin sa ADB o World Bank para bumili ng bakuna sa US o Europe.
Ibibigay na agad ng bangko sa Pfizer o Zuellig ang pera at ihahatid na lang sa atin ang nabili na bakuna.
Yun ay kung may supply sila ng COVID-19 vaccine. Kung wala ay hintay tayo hanggang magkaroon.
Ngayon yung local budget na inilaan natin, yun ang pera ay hawak na natin, hindi ko alam kung ano sitwasyon noon. Kasi mukhang libre naman lahat ng bakuna na nakukuha natin so far.
Ibang laway din ang nadidinig ko tungkol doon.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]