Eto na naman tayo.
GAGAMITIN na naman ng mga pogi ang pagka-deds ng isang Aquino, para magsaksak ng isa pang Aquino sa Palasyo.
Hindi sa sinasabi ko na semplang si PNoy ha? Contrary to that (uy inglis, sosyal) isa sa global achievement niya ang UNCLOS victory natin sa West Philippine Sea (dami inglis, sobrang sosi).
Pero, mga dude and dudettes, talaga bang sagad na ang bariles?
Wala na ba talaga tayong choices? Kasi feeling ko marami dyan sa gilid-gilid pero di natin makita kasi ayaw natin tingnan.
Isa pa, huwag na tayo mag-joke, yang mga nagtutulak sa isa pang Aquino ulit, ang tindi ng self interest ng mga yan!
Yari na naman tayo dyan!
Real talk! Nung may sakit si PNoy at naghihirap sa bahay niya, ni isa sa mga “friends and supporters” wala sa tabi niya!
Sabi nga ng mga report sa radyo, TV (at mga lumang komiks) nag iisa si PNoy nang ma-deds ito sa Times Street home niya. Nurse, driver at PSG niya lang ang nandun at nagtakbo sa kanya sa Capitol Medical.
Tapos nung wala na siya, biglang andami daw niyang close! Weh, di nga? Close talaga kayo?
Ngayon, eto na yung isang widow daw, o yung look-alike daw, o yung rebelde daw, pumoporma na agad.
Hindi pa nga nalilibing last week si PNoy, mga statement na agad na “ipaglalaban namin ang diwa ni PNoy” agad ang Free Spits nila eh.
Iba eh! Sabi nga ng mga social scientists “political opportunists” bent on necropolitics.
Maawa naman kayo dun sa namatay. Sabi nga ng mga source ko na talagang malapit sa kanya, kumalas na nga sa public view yung mama dahil ayaw na magpagamit ulit eh.
Yung mga tira nang tira naman awat na rin. Deds na yung tao eh, di na niya kaya ipagtanggol sarili niya, ‘wag niyo na gayahin yung mga disente na tumira nang tumira sa Apo ninyo nung ilipat ng libingan. Maging mas disente naman kayo.
At the end of the day kasi (inglis na naman!) yang mga nababasa ninyo sa social media, raket ng mga shadow players yan!
Style yan ng mga gustong makakapit sa kapangyarihan kaya inuuto nila tayong lahat sa intriga nila.
The Aquino Saga Season 3? Kung gusto ng mga Aquino, of course pwede ulit! Meron naman silang “K” eh. Besides, taumbayan naman ang magdedesisyon sa bandang huli.
Ang request ko lang, hayaan na ninyo magpahinga yung taong namayapa na.
Iniwan niyo mag-isa nung buhay, nung mamatay gagamitin ninyong battle-cry!
Dehin na, awat na mga bossing!