And the survey says…

TEN months to go at eleksyon na naman. At dahil dito, naglipana na naman ang mga survey sa paligid-ligid.

Sa survey na ito, makikita natin ang iba’t ibang resulta at conclusions na maaaring magbigay ng idea o gabay sa atin sa pagpili ng ating mga kandidato.

Para sa akin, ang pinaka-credible o maaasahan na survey firms ay ang Social Weather Station at Pulse Asia. Ito ay dahil sila ang pinakamatagal at pinaka-komprehensibong survey firm sa bansa.

Marami na naman ang magsasabi bayaran ang survey ng dalawang grupong ito at deretso ko pong sasabihin dito na totoo ito.

Pero kailangan ko rin ipaliwanag na ang paid survey ay isa sa mga business activities ng mga survey firm.

Maraming companies, tao, at politiko ang gumagamit ng survey company para makita ang estado nila sa merkado o lipunan. Hindi po masamang negosyo ito.

Ilan sa mga grupo na madalas nagpa-survey ay mga food companies, newspaper, at politicians. At iba-iba ang kadahilanan ng mga survey nila.

Kaya’t kung SWS at Pulse Asia ang maglalabas ng survey result, malaki ang paniniwala ko rito dahil alam ko na sila ay nagtatanong lamang at nag-uulat ng resulta ng sagot sa tanong nila.

Sa 2-survey companies na ito, malinaw naman na inilalathala nila ang survey question nila, para alam natin ang context ng mga numero ng sagot sa tanong nila.

Ito rin ang dahilan kung bakit naniniwala ako sa resulta ng kanilang survey, kahit kontra ito sa aking paniniwala o inaasahan.

Hindi kasi pwede na naniniwala tayo sa kanila pag pabor sa atin ang survey result pero fake news sila pag kontra ito sa gusto natin.

Malaki ang tulong ng negative survey result sa atin kung magiging objective tayo. Dahil dito natin maaaring i-base ang mga susunod na aksyon natin para maitama ang negatibong aspeto sa survey.

“We should use surveys to improve our products and services whether positive or negative,” sabi nga ng isang business manual.

Pero may mga ilang surveys din ang lumalabas para lituhin o lokohin tayo. Ito ay mga propaganda based survey.

Katulad na lamang ng survey ni dating Senador Antonio Trillanes IV na nagsasabing lugmok na ang rating ni Pangulong Duterte. Ito ay isang propaganda at walang detalye, basta na lang nag-imbento ng resulta kahit walang survey.

Meron din namang survey na inaaral ko pa ang resulta dahil bago pa lamang sila at hindi ako sigurado sa pamamaraan nila.

Isa rito ang survey ng Publicus na nagsasabing 64 percent ang approval rating ni PRRD. Bagamat kilala ko ang nasa likod ng Publicus, hindi ako pamilyar sa “methodology” nila kaya medyo “taking it with a grain of salt” muna ako sa mga resulta ng surveys nila.

Sa totoo lang, ang mga surveys ay “snapshots” ng sentimyento ng taumbayan, hindi ito ang kabuuan.

Pero dahil scientific ang approach ng tunay na survey companies, mas madalas sa hindi – mga 95 percent of the time — ay tama ang projection nila.

Kaya ito ay dapat sineseryoso ng taumbayan at mga personalities na tinutukoy ng survey.

Taking surveys seriously can spell the difference in success or failure, dahil ang survey ay isang guide lamang para sa nais na direksiyon ng subject nito.

Kung politiko ka, dapat maniwala ka sa survey ng mga credible na kumpanya, hindi yung survey lamang na nagsasabing magaling ka, pero puro barkada mo naman pala ang tinanong.

Ngayon, sa darating na eleksyon, ayon sa survey, ang mga mananalo ay sina…???


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]