MAKASAYSAYAN sa media at journalism sa Pilipinas ang first time na paggamit ng GMA 7 ng artificial intelligence-generated sportscasters sa pagsisimula ng NCAA coverage nitong Sunday, September 24.
Nagsimula na ang era ng Artificial Intelligence o AI journalism sa Pilipinas.
Mixed ang reaction ng mga tao – merong nega na valid, ang iba naman, hecklers. Meron ding papuri at welcoming.
Sa kanilang intro, sinabi ng web robots o internet bots na sina Maia at Marco na magde-deliver din sila ng international sports news na gagawin dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Humilera na ang Pilipinas sa mga bansang nag-adopt ng generative AI newscasters at AI o chatbots na pwedeng magtext, magpaliwanag na may audio o boses, maglabas ng images at iba pang media.
November 2018 nang inintroduce ng China-run Xinhua News Agency ang kauna-unang generative AI newscaster sa buong mundo.
Nagsimula ang apat na news organizations sa India at isa na rito si “Sana” nito lang April 2023.
April din ipinakilala ng Indonesia sina “Nadira”, “Sasya” at Bhoomi, ganun din ang Kuwait na merong “Fedha”.
Bandang July, merong weather forcaster ang Taiwan FTV News at nakipagsabayan din ang Saudi Arabia, Malaysia at iba pa.
Ang mga binabalita nila ay human inputs din base sa kinalap na facts and information ng news teams – field reporters, desk at research.
Para sa mga nag-aalala, I am sure, may protocols na ginawa at sinusunod ang GMA 7 sa paggamit ng AI application. No worries.
Knowing Kapuso Network kung saan nag-produce ako noon ng breaking news sa dating GMA Flash Report, daraan sa layers ng meticulous at critical editing ang script at video lalo na ang isang balita na may sensitive concerns o content bago ito iere.
Ganyan din ang sistema namin kasama ang malalimang pagtalakay at pagsusuri sa news line-up sa “Balitang Balita” at “Sentro” ng ABC 5 (TV5 ngayon).
Binubusisi, dinedebate at maingat ang proseso sa mga balita sa TV Patrol Weekend hanggang huli akong nag-story editor bago mag-pandemic.
Pati rin sa “Balitang Global” ng TFC News Europe, Middle East at Africa hanggang bago ito mawala sa ere nung July 2021 epekto ng shutdown.
Sa statement ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), hinimok nito ang industry na magandang pag-usapan na ang AI application sa media lalo na ang epekto nito sa trabaho.
Patulan natin yan:)
Ang kagandahan sa virtual newscasters, makapagtatrabaho ito ng 24/7 nang hindi napapagod, sa iba-ibang style at languages, kumbaga efficient.
Mapo-program ang AI news bots na magbalita nang walang bias, emotional influence at hindi sumisigaw.
Ang facial expressions ng avatar, pati gestures at voice tone ay nakadisenyo para gayahin ang tao para magmukhang tao.
Nako-customize sila nang naaayon sa kagustuhan ng networks o – may-ari.
Higit sa lahat, makatitipid ang broadcast networks sa paggamit ng AI news avatars.
Isang gastusan lang, walang babayarang hefty salary o increasing talent fees at overtime pay, SSS at Pagibig Fund contributions, leaves of absence, longevity at hazard pays, health at retirement benefits, etc. Hindi rin naman makaka-join ng labor union o barganing negotiations.
Hindi na sila i-e-ex deal para sa signature OOTD, hair and make-up at iba pa.
Yan ang kayang powers at bentahe ng application ng digital news anchors dahil nga web robots sila at hindi tao.
Asahan din na kulang sila ng emotional intelligence at empathy o connect sa binabalitaang tv audiences at emotional intelligence.
Hindi sila makaka-chikahan ng reporters, production personnel at management, at ng madlang pipol, lol!
Lalong hindi sila makakapag-live sa malalaking ganap like presidential wanderlust at leisure, ehem, royal inaugurations, paghirang sa panibagong Santo Papa among others.
Wala silang meet-and-greet sa fans, fans daw, lol! Dito sa atin, ginagawang celebrity ang news anchors. With news bots, wala nang feeling ang pagbabalita, no vibes, boring.
Pero dahil virtual sila at hindi tao, pwede silang i-feed ng biased o slanted information ng estado para protektahan ang nasa poder, malalaking negosyo, mayayaman, pulitiko at vested interest groups.
Ang pagtatao sa news anchoring ay hindi basta-basta inilalagay – seryoso, mabusisi at kritikal na proseso ang anchor assignment.
Ang news anchors ang mukha ng news network.
Ibig sabihin, kailangan paniwalaan siya at para paniwalaan, dapat may credibility at para may credibility, kailangan merong integrity.
Ang integrity ay nabubuo sa mahaba at ethical na karanasan sa pagbabalita – maaring nagmula sa pagiging police reporting hanggang umangat sa pagko-cover ng politics at presidente.
Pinaghihirapan, iniingatan ang pagiging newscaster.
Kaya may anchors na hindi man nagsimula as reporter ay inilalabas ng networks para mag-cover para magkaron ng credibility at connect sa audiences.
Kaya pagharap sa camera, may connection, dignidad at irerespeto ng manonood, walang kontrobersya.
Meron ba nyan ang virtual newscaster? Wala, kaya pag humarap sa camera at magbalita, indifferent, hindi apektado ang datingan.
Dahil dyan, apektado na agad ang integrity ng pagbabalita.
Nag-aalala rin ang mga ka-media sa iba pang job displacements at future union implications.
Imaginin natin kung papalitan ng AI ang news gathering at field reporting.
Ang mangyayari – actual robots na ang ipoposte sa beats o news assignments o pasusugurin sa gyera. Mamemember ba ito sa press corps? Makakailag ba ito sa bala o pwede ring i-hostage ng mga terorista? Lol!
Pero sino-sino pa ba ang pwedeng mawalan ng trabaho dahil sa AI bots?
Ang sampol ng generative AI ay Open AI’s ChatGPT at image generator na DALL-E at Bard ng Google.
Pwede itong mag-draft ng essay, speeches o news story o mag-create ng images in seconds lalo pa at sa broadcast ay mabilisan ang trabaho para humabol ang headlines sa tamang rundown ng news stories pagdating sa oras ng pag-ere.
Sa newsroom ang chat bots ay makatutulong sa research, monitoring sa news everywhere, encoding, gumawa ng summaries at iba pang web-based production work.
Sa ngayon, limitado ang gamit ng AI at sa basics sila mapapakinabangan.
Isang fear ng mga kasama sa trabaho ang maaaring epekto nito sa media ethics, legal liabilities.
Halimbawa, maaaring disinformation o libelous ang content ng AI reports o kaya ay may copyright infringement like kinuha ng AI sa ibang original o exclusive reports.
Madedemanda ba ang AI newscasters o chatbots, syempre hindi.
Ang madedemanda ay content producers, others.
Masasabi ba ng reporter na sa kanya ang byline o ang voice report nya ay buong-buo na ginawa nya o may tulong ang AI inputs mula sa research?
Pagdating sa fact-checking, merong AI platforms tulad ng ClaimHunter ng Squash na nagpa-flag ng political statements para pag-aralang mabuti.
Sa pag-eksamen ng lawyer na si JJ Shaw tungkol sa legal at ethical implications ng paggamit ng AI binanggit sa report na inilabas nung March 2, 2023 sa Press Gazette, na nitong January 2023, inamin ng ChatGPT ang kahinaan nito.
Sinabi ng chatbot sa fact-checking company na Newsguard:
“Bad actors could weaponize by fine-tuning my model with their own data, which could include false or misleading information.”
Tulad ng una kong binanggit, sinabi rin sa study na kulang ang AI sa totoong buhay na galawan ng journalists at kakayahan nito na makipag-interact sa human case-studies.
Paniwala ni Shaw, malaki ang kawalan ng AI sa kakayahang aralin ang sensitive issues at concerns;
Vulnerable din ito sa misinformation, at dahil dyan, ang AI-generated content ay kakapusin sa editorial standards kung hindi gagalawin ng mga tao.
Naging malaking isyu nitong January 2023 ang nilantad ng Futurism na pasimpleng gumagamit ang tech news site CNET ng AI bilang writers nang walang announcement o introduction sa publiko. Walang disclosure.
Tapos nagkaproblema ang CNET at naglabas ng corrections sa 41 sa 77 balita nito. Isa sa bawat dalawang balita nila ay nagkakalat ng maling information. Meron pa nga sa nireview ng CNET ay gumamit ng mga salita na hindi original at posibleng plagiarized.
Kasama sa mga article na may corrections ang “What is Compound Interest?”, How Much Should You Keep in a CD?”, “Does a Home Equity Loan Affect Private Mortgage Insurance” at iba pa.
Ilan yan sa pwedeng challenges at downsides na haharapin ng media na gagamit ng generative AI at chatbots.
Open ako sa AI bastat regulated ng news organizations nang naaayon sa facts-based, accurate, fair, balanced at truthful news and information at hindi mawawalan ng trabaho ang maraming kasamahan sa media.
Welcome opportunity para sa akin ang ginawa ng GMA News na gumamit ng AI para ma-explore pa ang pakinabang nito, impact sa editorial, human resources at technology sa gitna ng laganap na mis/disinformation.
Maganda siyang case study at kung maayos at maingat sa application, pwedeng maging model sa mga gagamit ng AI sa newscasting, news gathering at production.
Pero pwede rin siyang kontrolin o i-censor para hindi maging kritikal sa gobyerno o umiwas sa controversies, demanda, kaya pwedeng magkaron ng press freedom issues.
Good luck sa atin.