7 jobs that can be replaced by AI soon

CHINESE-CANADIAN YouTuber-businessman Dan Lok identified seven low-income jobs that will soon be replaced by artificial intelligence and robots.

According to Lok, these are construction workers, drivers, cashiers, farmers, bookkeepers and accounting, waiters/waitresses, and delivery.

In some modern countries, robots have become bricklayers, cement mixers, crane operators, welders.

Dumadami na rin ang mga electronic self-driving cars, and soon these type of cars will be sold commercially. Ganun din ang mga trucks, bus and trains.

Laganap na rin ang mga department stores, convenient stores and drug stores na wala ng mga cashiers. Gamit na lang ang electronic cash cards at automatic na ibinabawas sa cash card ang mga nabili mo paglabas ng tindahan.

Nanganganib din na mawala ang mga cashiers sa mga fastfood restaurants, maging ang mga cooks and other kitchen staffs dahil robots and computers na ang naghahanda ng mga ingredients at nagluluto ng pagkain.

Hindi na rin huhugasan ang mga kubyertos dahil disposable na ang mga kutsara, tinidor, baso at plato. Ayon umano sa pag-aaral, doble ang kita dahil mabilis at accurate ang operation ng mga robots at computers.

Malalagot din daw ang trabaho ng mga farmers dahil robots na ang magtatanim at magdidilig at magha-harvest ng mga palay, gulay at iba pa. Robot na rin ang kukuha at magpoproseso ng gatas ng baka, kalabaw at kambing.

Kasalukuyan namang nalulusaw ang trabahong accounting at bookkeeping gamit ang mga applications at programs sa pagmonitor at pagcompute ng pera at mga transactions.

Unti-unti na rin daw pinapalitan ng mga drones ang mga nagdedeliver ng parcel, pagkain at mga commodity items na nabibili online.

Napapanood na natin sa social media ang mga ganito at posibleng mangyari na rin sa atin. Ang tanong ay kailan?

May ilang lugar at industriya sa mga mauunlad na bansa sa Europe at states sa Estados Unidos, at maging sa Asya na napalitan na ng robot at computers ang ilang skills at profession gaya ng paga-assemble ng mga sasakyan, eroplano at marami pa.

Sa Japan, wala nang mga waiters na kukuha ng order at kukuha ng bayad dahil electronic cash card o ATM debit cards lang katapat.

Kabilang ba ang trabaho mo sa mga ito? Huwag mag-alala dahil hindi pa naman bukas o next year ang pagpapalit. Maari ka pang mag-acquire ng iba pang skill at pag-aralan ang ibang technique na paggawa ng mga bagay-bagay.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]