ISANG taon na lang mahigit ang natitira sa 18th Congress pero hanggang ngayon ay marami pa ring mga mambabatas ang gustong makakuha ng makapangyarihang komite sa Kamara.
Hindi lamang ang liderato ng mga komite ang aking tinutukoy kundi maging ang pamunuan ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Isa sa mga inilulutang ng ilang maiingay na kongresista sa nasabing pwesto ay si majority leader Ferdinand Martin Romualdez ng Leyte.
Pero mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsalita na huwag na niyang ambisyunin pa at pakialaman ang posisyon ni House Speaker Lord Allan Velasco tutal ay susuportahan naman ng pangulo ang mambabatas sakaling pangarapin niyang maging pangalawang pangulo ng bansa sa 2022.
Malinaw ang mensahe ng Pangulo na huwag nang guluhin ng kampo ni Romualdez o maging nang sino pa man ang liderato ng Kamara.
Ang importante sa ngayon ay maisulong ang mga nakabitin na panukala partikular na ang may kinalaman sa pagsasaayos ng ating ekonomiya, pagsusulong ng dagdag na trabaho, peace and order at ang matiyak na may sapat na pagkain sa hapag ang bawat pamilyang Pinoy.
Hindi magagawa ang mga matitinong batas kung hanggang sa ngayon ay iikot lang sa politika ang panahon ng mga mambabatas sila man ay miyembro ng Kamara o Senado.
Ang Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC na pinamumuan mismo ng Pangulo ay nagsumite ng 12 priority measures sa mga mambabatas.
Laman nito ang mga sumusunod:
• Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act
• Package 3 of Comprehensive Tax Reform Package (CTRP) or the Valuation Reform Act
• Package 4 of CTRP or the Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA)
• Amendments to the Public Service Act
• Amendments to the Retail Trade Liberalization Act
• Amendments to the Foreign Investments Act
• Rural Agricultural and Fisheries Development Financing System Act (Agri-Agra)
• Creating a Medical Reserve Corps Act
• Creating a Disease Prevention and Control Authority Act
• Imposing Amusement Tax on Digital Platform and Offshore Betting Stations of Licensed Cockpits
• Establishing the Tax Regime of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO)
• Strengthening Local Government Participation in National Development by Increasing the Share of Local Government Units in the National Internal Revenue Taxes.
Layunin ng mga panukala na makakuha ng dagdag na buwis na siyang magpapasigla sa ekonomiya at kabuhayan ng mga Pinoy na halos padapain ng pandemya.
Mga panukalang batas na ipinangako ng liderato ng Kamara na kanilang pagtitibayin at sana ay siya ring gawin ng senado para maging ganap na batas bago matapos ang termino ng kasalukuyang administrasyon.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]