2 ex-official ng dating administrasyon ‘pulutan’ sa chikahan ng dating Duterte Cabinet

KAMAKAILAN ay nagkaroon ng instant reunion sa isang hotel sa Makati City ang ilan sa mga opisyal nang nagdaang administrasyon.

Masaya ang kwentuhan lalo’t kapiling nila si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ilang buwan na rin naman nilang hindi nakikita.

Kumustahan, halakhakan at konting kwentuhan ang nangyari ayon sa aking spotter.

Hindi naiwasang maungkat ang kwento tungkol sa isang miyembro ng Gabinete ng dating pangulo na nabisto ng kanyang misis.

Sinabi ng aking spotter na naging tampulan ng tukso ang dating miyembro ng Gabinete dahil nakarating sa kanyang misis ang itinatago niyang secret affair sa isa ring dating opisyal ng pamahalaan.

Nang kunin nang dating miyembro ng Gabinete ang opisyal na ito para gawing trusted person ay marami na kaagad ang nakapuna sa kakaibang sweetness nang dalawa.

Bagama’t “Sir” ang tawag ni madam sa dating miyembro ng Gabinete ay hindi pa rin nila naitago noon ang pagiging caring nila sa isa’t isa.

Kilalang matulis sa chicks ang ating bida na known din sa mga female caddies lalo na sa Central Luzon.

Sinabi nang aking cricket na may naganap palang suguran noon sa opisina ni Sir kung saan ay kinompronta ni misis ang babaeng opisyal na nauugnay sa kanyang mister.

Ang opisyal ng dating administrasyon na bida sa ating kwento ngayong araw ay si Mr. A na kilalang magaling at masipag na opisyal.

Ang babaeng opisyal naman na higit na mas bata sa ating bida ay si Madam G…as in Gandang Kayumanggi.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]