War on drugs tuloy kahit may ECQ


HINDI mapipigilan ng enhanced community quarantine ang war on drugs ng pamahalaan, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.


“Magpapatuloy ang kampanya kontra droga hanggang hindi nauubos ang mga drug dealer at kahit pa nasa gitna tayo ng pandemya,” ani Año.


Simula sa Biyernes hanggang Agosto 20 ay isasailalim sa ECQ, ang pinakamahigpit na quarantine status, ang Metro Manila at mga katabing probinsya ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna dahil sa banta ng mas nakakahawang Delta variant ng Covid-19.


Ipinag-utos din ni Año ang pagtatayo ng mga checkpoint sa mga border ng apat na lalawigan upang mapigilan ang interzonal travel at posibleng pagkalat ng sakit. –WC