SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nabawasan ang bilang ng nga sasakyang dumadaan sa EDSA matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.
Tinataya ng MMDA na humigit-kumulang 392,000 sasakyan ang dumaan sa EDSA noong Hunyo 9. Mas mababa sa 417,000 sasakyan na dumaan sa pinaka-abalang kalsada sa Metro Manila noong Mayo 5.
“This is also lower than the average daily volume of 405,000 cars on EDSA before the COVID-19 pandemic struck,” sinabi ni MMDA general manager Romando Artes.
Sinabi ni Artes na pinipili ng mga may-ari ng kotse na huwag gamitin ang kanilang mga sasakyan habang patuloy na tumataas ang presyo ng bomba.
Inaasahang magpapatupad ng panibagong pagtaas sa presyo ng petrolyo ngayong araw ang mga kumpanya ng langis.