PAGIGING titser ang propesyon na nais tahakin ni Pasig City Mayor Vico Sotto kung hindi siya pumasok sa pulitika at maging alkalde ngayon.
Ani Sotto, nagturo siya noon sa Arellano University bago siya tumakbo sa pagka-mayor sa Pasig.
“Sandali lang naman yun sa Arellano University. One sem lang yun kasi tumakbo na akong mayor,” pahayag ni Sotto.
“Kung hindi ako tumakbong mayor, tinuloy-tuloy ko yun. Isa talaga yun sa mga gusto kong gawin,” dagdag niya.
Kwento pa ng alkalde, pipiliin niyang magturo sa nga undergraduate college students kaysa sa elementarya at high school dahil hindi siya masyadong pasensyoso.
Nakatuon naman sa social sciences ang nais sanang ituro ni Sotto. Inamin niya rin na wala siyang kapasidad na magturo ng math.
“Hindi ako masyadong pasensyoso. Baka uminit ulo ko… Hindi ko kaya magturo ng math,” ani Sotto.