NAGBABALA ang pamahalaan sa mga vape user na posibleng pagmultahin ng P5,000 hanggang P20,000 sa sandaling mahuli ang mga ito na gumgamit ng vape sa mga indoor space ng mga pampublikong lugar.
Ito ay base sa inilabas na administrative order ng Department of Trade and Industry kaugnay sa pagpapatupad ng rules and regulations ng Republic Act No. 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.
Kasabay nito, inilabas din ang age limit ng mga maaaring bumili at gumamit ng vape. Edad 18 pataas ang papayagan na bumili at gumamit ng vape, na una na ring binatikos ng publiko dahil ito umao ay pagpayag sa mga senior high school na makagamit nito.
Una nang kumontra ang Department of Education hinggil sa mababang edad na pinapayagan na makabili at gumamit ng vape.
Sa tala ng DepEd, nasa 1.1 milyon mag-aaral ang nasa edad 18-20 bracket ngayong school year 2020-2021.
“This is the number of learners who will become legally allowed to be marketed the harmful products” sa ilalim ng Vape law, ayon sa pahayag na kagawaran.
Magiging epektibo ang IRR 15 araw mula mailagay sa pahayagan ang nasabing IRR.