HINDI pipiliting mag-uniporme ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.
Aniya, mas makagagaan sa mga magulang kung hindi na gagastos pa para sa uniporme ng mga anak.
“Even before the pandemic, it is not a strict requirement for public schools to wear uniforms (DepEd Order No. 065, s. 2010) to avoid incurring additional costs to the families of our learners,” ani Duterte-Carpio sa kalatas.
“All the more that it will not be required this school year given the increasing prices and economic losses due to the pandemic,” dagdag niya
Magsisimula ang school year 2022–2023 sa August 22.