TUMAAS ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, ayon sa Labor Force Survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Pumalo sa 8.1 porsyento ang unemployment rate nitong Agosto mula sa 6.9 porsyento na naitala noong Hulyo.
Katumbas ito ng 3.88 milyong Pilipino na walang trabaho, base sa report ng National Statistician Dennis Mapa sa isang virtual press conference.
Samantala, pumalo naman sa 14.7 porsyento ang underemployment rate noong Agosto, mas mababa kaysa noong Hulyo na may 20.9 porsyento.