SASALUBUNGIN ang mga Pinoy sa 2023 ng taas singil sa tubig matapos aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang petisyon ng Maynilad at Manila Water.
Sinabi ng MWSS na mula 2023 hanggang 2027, aabot sa P8.04 per cubic meter ang itataas sa singil ng Manila Water kada taon samantalang P3.29 per cubic meter naman sa Maynilad.
Nangangahulugan ito na mula sa P488.82 na binabayaran ng mga kostumer ng Maynilad na kumukonsumo ng 20 cubic meters, aabot na ito sa P509.11 ang babayaran simula Enero 2023, samantalang P1,039.64 naman ang babayaran ng mga gumagamit ng 40 cubic meters ng tubig mula sa kasalukuyang P997.93.
Samantala, para sa mga kostumer ng Manila Water, aabot na sa P425.00 ang babayaran ng mga gumagamit ng 20 cubic meters mula sa dating P333.47 meters at P866.03 naman para sa mga kumukonsumo ng 30 cubic meters mula sa kasalukuyang P679.02.