TINIYAK ng Palasyo na patuloy na pinag-aaralan ang suspensyon ng implementasyon ng excise tax sa presyo ng mga produktong petrolyo bunsod na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasalukuyang nagpupulong ang mga mga economic managers hinggil sa isyu.
“As we speak po, pinagpupulungan itong bagay na ito ‘no. Kinukonsidera po ang parehong proposals, so government is heeding and we are evaluating po,” sabi ni Roque.
Nauna nang inihayag ng mga economic managers ang P1 bilyong ayuda para sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan na direktang apektado ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.