BUMUO na ng special investigation task force ang National Police na siyang bubusisi sa pamamaslang sa beteranong komentarista na si Percival Lapid nitong Lunes ng gabi sa Las Piñas City.
Sa isang kalatas, sinabi ng PNP na inaalam na nito ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pagpatay sa broadcaster at kung anong motibo ang nasa likod ng kanyang pagkamatay.
“The PNP vows to bring justice to an attack against a member of the media industry,” ayon sa PNP.
“Investigation is underway to determine the culprits and motive of this case. A Special Investigation Task Force was already created by Las Piñas City Station of NCRPO (National Capital Region Police Office) to spearhead and coordinate the investigative and prosecutorial efforts of the PNP.”
Inambus si Lapid alas-8:30 ng gabi nitong Lunes habang pauwi sa kanilang bahay sa barangay Talon Dos, Las Piñas.
Ayon sa mga nakasaksi, binunggo ng mga suspek ang likurang bahagi ng sinasakyan ng biktima, at saka pinagbabaril ng mga suspek na lulan ng motorsiklo at isang SUV.
Isang matinding kritiko ng Duterte at Marcos administration si Lapid na regular na nagpoprograma sa DWBL para sa kanyang program na Lapid Fire.