Southbound ng EDSA-Kamuning flyover isasara ng 1 buwan

INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara ang southbound ng Edsa-Kamuning flyover sa Quezon Cty ng isang buwan simula alas-6 ng gabi sa Sabado, Hunyo 25, 2022.

Sakop ng closure ang tatlong lanes, kasama ang Bus Carousel lane.

Nauna nang inihayag ng Department of Public Works and Highways na may mga nadiskubre itong mga crack sa flyover.