Sotto suportado P1K minimum wage sa NCR

KUNG meron nga lang umano siyang paraan ay gagawin niyang P1,000 ang minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

“If it were up to me, in these trying times, dapat ang minimum wage [should be] P1,000,” ayon sa tweet ni Vice presidential candidate Senador Tito Sotto.

Suportado ni Sotto ang petisyon na inihain ng Trade Union Congress of the Philippines (TCUP) na itaas ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila sa P1,007 mula sa kasalukuyang P537.