SINABI ni Bureau of Customs (BOC) Spokesperson Arnaldo dela Torre na umabot sa P600 milyon ang nakumpiskang sibuyas noong 2022.
Sa Laging Handa briefing, idinagdag ni dela Torre na sa kabuuan, aabot ng P1.2 bilyon ang nasamsam na smuggled na mga produktong agrikultura.
“Ang atin pong Bureau of Customs ay patuloy at maigting na magbabantay,” sabi ni dela Torre.
Idinagdag ni dela Torre na kabilang sa nasamsam ay P2 milyong sibuyas na inihalo sa mga ukay-ukay na damit sa Port of Manila.
“Pagdating dito sa sinabi natin na may nakapalaman na mga clothing at home products mula sa China pero may sibuyas pala na laman, ito nagkakahalaga ng P17 milyon pero ang halaga lang ng sibuyas ay mahigit P2 milyon,” dagdag ni dela Torre.