MAAARING ihirit ng mga maliliit na negosyo na may mga 10 trabahador o pababa, o sila na hindi pa nakakabangon sa epekto ng pandemya, na ma-exempt mula sa ipaiiral na bagong minimum wage sa Metro Manila at Western Visayas.
Ito ang sinabi ni Maria Criselda Sy, executive director ng National Wage and Productivity Commission (NWPC), kaugnay sa P33 umento sa minimum wage.
Ayon kay Sy, pinahihintulutan sa ilalim ng Wage Rationalization Act of 1989, or Republic Act No. 6727 ang exemption sa pagpapatupad ng minimum wage bagamat walang kapangyarihan ang board na magkaroon ng “blanket exemption” sa ilang mga employers.
“Under the omnibus rules on minimum wage determination, micro businesses in the retail and business sector that are employing not more than 10 workers can apply for exemption,” ayon kay Sy.
Nauna nang na-exempt ng Department of Trade and Industry ang mga negosyo na pasok sa “barangay micro enterprise businesses (BMEBs) sa wage hike.
May 4.650 BMEBs sa Metro Manila habang 1,075 naman sa Western Visayas.