SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na target ng pamahalaan na maipatupad ang single ticketing system ngayong unang bahagi ng 2023.
Sa Laging Handa briefing, idinagdag ni Artes nakatakda niyang ipresinta ang final draft ng panukalang single ticketing system sa Metro Manila Council sa Pebrero 1, 2023.
“Once ma-approve po ito, magpapasa po ang bawat konseho ng 17 LGUs ng ordinansa adopting this Metro Manila Traffic Code. After publication po niyan ay puwede na po siyang i-implement so we’re looking at—within first quarter po mai-implement,” sabi ni Artes.
Aniya, kampante siyang mabibili agad ang equipment na gagamitin para sa interconnectivity sa pagitan ng Land Trasportation Office (LTO) at mga lokal na pamahalaan.