PINAYUHAN ni Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez ang publiko na bumili na lamang ng tingi matapos umabot sa P720 ang kada kilo ng sibuyas.
“To be reasonable and practical, maraming magagalit sa akin, e di wag tayong bumili ng isang kilo, di ba? Kung ano ang makakaya nating bilhin, yun na muna, in the meantime. Ang sinasabi ng ating magsasaka, January, February…aalamin kapag yan nagpatuloy, and then let’s decide,” dagdag ni Estoperez sa panayam sa radyo.
Nanindigan din siya na hindi na mag-aangkat ng sibuyas ang pamahalaan dahil sa nagsisimula na ang anihan ng sibuyas.
“Nag-iingat po tayo na balansehin natin ang lahat ng ito,” aniya.