SINABI ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na naniniwala siyang may sindikato na siyang nagtatago ng sibuyas, dahilan para tumaas ang presyo nito na umaabot na sa P340 kada kilo sa ilang pamilihan.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez na marami namang sibuyas base sa kanyang pag-iikot, partikular sa Balintawak Market sa Quezon City.
“Mahirap kasing tuntunin ito, palipat-lipat ang pinaglalagyan – makikita mo lang sa Balintawak maraming sibuyas pero ang taas po ng presyo,” sabi ni Estoperez.
Nanawagan si Estoperez sa mga trader na ilabas na ang mga itinatagong sibuyas.
“Hindi bumababa ang presyo even though in-encourage na natin iyong mga nagtatago ng pulang sibuyas na base doon sa atin pong harvest, mukhang hindi pa rin gumagalaw ang presyo,” aniya.