SINIMULAN na ng Senate committee on public order and dangerous drugs ang imbestigasyon sa pagkawala ng 30 na sabungero.
Inimbitahan ni Senador Ronald Dela Rosa, chairman ng nasabing komite, sina Justice Secretary Menardo Guevarra, National Bureau of Investigation (NBI) chief Eric Distor, Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos, Land Transportation Office Assistant Secretary Edgar Galvante, Commission on Human Rights chairperson Lea Armamento at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chief Andrea Domingo, para sa gagawing imbestigasyon.
Inimbitahan din ang mga kinatawan ng mga nawawalang sabungero na iniulat na puwersahang kinuha mula sa kanilang mga tirahan o sabungan ng mga armadong lalaki sa magkahiwalay na insidente sa Maynila at sa mga lalawigan ng Bulacan, Laguna at Rizal noong nakaraang buwan.
Nauna nang hiniling ni Dela Rosa, dating PNP chief, na suspindihin ang online sabong hanggang sa naresolba ang kaso.
Inirekomenda niya na ang mga prangkisa ng mga online cockfighting firm ay pangasiwaan ng Kongreso para sa mas mahigpit na regulasyon, sa halip na ang PAGCOR lamang ang mag-franchise.
“If cockfighting is what the people want…you can never stop gambling. Since time immemorial there has been gambling, so it’s better that we regulate this through a legislative franchise and not to give PAGCOR a free hand. Who knows, these franchises might be held by only one person,” ani Dela Rosa.