POSIBLENG magkaroon muli ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petroloyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).
Sinabi ni Rino Abad, director ng Oil Industry Management Bureau ng DOE, bumaba ang presyo ng krudo sa world market nitong nagdaang tatlong araw.
“Bumababa po ang price. I hope na matuloy ngayong araw hanggang bukas ang pagbaba o ma-maintain ang pagbaba para po masigurado natin na may rollback next week,” ani Abad.
Bagaman walang sinabing halaga ng krudo, malaki naman ang tsansang bababa ito.
“Hindi muna ako magsasabi ng figure pero malaki ang indikasyon na talagang may rollback as far as three trading days are concerned,” sinabi ni Abad.