MULING ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis sa harap ng mga kontrobersyang kinasasangkutan,
“Do not be afraid because pagka’t — when you are on the right side of the law, I will be there to help you. Kaya itong mga pulis, I caution you, mag — huwag kayong mag — ‘yang abuso.
“Huwag kayong mag-duty kung lasing kayo kasi ‘pag — kayo ang hahampasin ko. Iyong dala-dala ninyo na rattan ‘yon ang ihampas ko sa ulo ninyo. But when you do your work and you follow the rule, I will be there to defend you. Hindi ako papayag ng harassment diyan. Hindi talaga ako papaya,” sabi ni Duterte.
Ginawa ni Duterte ang pahayag sa harap naman ng pagkamatay ng isang 18-anyos na may autism na napatay ng isang pulis matapos ang isinagawang operasyon laban sa tupada sa Valenzuela City.
“f you want my help, come here sa Malacañan at isabi mo kung anong mangyari. Do not lie to me. Iyan lang ang hingin ko sa inyo. Depensahan ko kayo sa habang panahon but do not lie to me when I ask questions. Iyan ang klaro diyan. Okay?” dagdag ni Duterte.