PARA maibsan ang pasakit ng mga commuter na uuwi ng probinsiya ngayong Holy Week, papayagan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bumiyahe ang mga provincial bus sa Edsa simula sa Miyerkules Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.
Sa press conference nitong Lunes, sinabi ni MMDA acting chair Romando Artes, na pwede na rin bumiyahe ang mga provincial bus ngayong Lunes at Martes Santo mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.
“’Yan po ay para bumilis ang turnaround time ng mga buses, lalong-lalo na mga galing probinsya, para maka-cater sila ng mas maraming pasahero,” paliwanag ni Artes
Sinabi rin ng opisyal na suspendido ang number codeing sa Huwebes at Biyernes Santo.