Presyo ng sibuyas bumaba na sa P200 kada kilo sa ilang pamilihan

BUMABA na ang presyo ng sibuyas sa P200 kada kilo sa Malabon Central Market sa Malabon City, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Idinagdag ng DA na base sa monitoring sa mga palengke, naglalaro na lamang sa P200 hanggang P300 ang presyo ng sibuyas sa maraming palengke sa Metro Manila.

Umabot naman sa P350 kada kilo pa ang sibuyas sa Marikina Public Market sa Marikina City.

Ang iba pang presyo ng sibuyas ay Munoz Market sa Quezon City, P220 hanggang P300 kada kilo; Pasay City Market sa Pasay City, P250 hanggang P270 kada kilo; Commonwealth Market sa Quezon City, P250 hanggang P280; Guadalupe Public Market Makati City, P250 hanggang P300; New Las Pinas City Public Market sa Las Pinas City, P280 to P300 kada kilo; at San Andres Public Market sa Manila City, P280 hanggang P290 kilo. Bumaba naman ang farmgate price sa P120 kada kilo.