Presyo ng langis may bagong rollback

MULING magpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo simula sa Martes, Hulyo 19, 2022.

Inaasahang bababa ng P1.70 hanggang P1.90 kada litro ang presyo ng diesel samantantalang mas malaki ang rolbak sa gasolina na maglalaro sa pagitan ng P4.70 hanggang P4.90.

Ngayong linggo nagpatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis kung saan bumaba ang presyo ng diesel sa P6.10 kada litro samantalang P5.70 kada litro naman sa gasolina.