PAMBIHIRA at wala sa hulog ang nais ng Grab PH na ipataw na dagdag na 2 porsiyentong commission rate na tiyak na papasanin hindi lang ng kanilang mga riders kundi pati na ng kanilang mga customer.
Ito ay ayon kay Senador Grace Poe, chair ng Senate committee on public services, kasabay ang paghiling nito sa mga concerned agencies na suriin ang plano ng Grab na magpataw ng 2-percent rate increase simula Disyembre 1.
“This is unconscionable in the midst of economic hardships that Filipinos face to get through every day. Every peso that drivers and riders earn comes from hard work poured [into bringing] passengers home or [delivering] parcels right at our doorsteps,” ayon sa senador sa isang kalatas.
Imbes na tanggalan ng malaking bahagi ng kanilang kita, ang dapat pa umanong gawin ng Grab ay bigyang proteksyon at dagdag benepisyo ang kanilang mga riders.
“As vital frontliners in the service sector, riders and drivers have helped keep the local economy going. They, too, long for an easy ride,” dagdag pa ni Poe.
Sa kasalukuyan ay kumukolekta ang Grab ng 20 porisyentong commission sa kada booking.
“Every peso that drivers and riders earn comes from hard work poured to bring passengers home or delivery parcels right at our doorsteps,” anya pa.