PAYAPA at maayos ang naging paggunita sa Undas ngayong taon, ayon sa Philippine National Police.
Sa report ng PNP, bukod sa mga nakumpiskang mga ipinagbabawal na gamit sa loob ng sementeryo gaya ng alak, lighter at ilang matatalas na bagay, isa lamang ang naiulat na nadakip dahil sa ilegal na pagdadala ng baril habang isa naman ang naiulat na nasawi matapos makuryente.
Ayon kay PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr., walang ibang malalaking insidente ng krimen ang naitala sa paggunita ng Araw ng mga Patay maliban sa nasawi dahil sa kuryente sa Eternal Peace Memorial Park sa Mabalacat City, Pampanga.
Naaresto rin ang isang Mowwamar Mama Kasan matapos mahulihan ng .22 revolver sa Palanyag Cemetery, sa barangay San Dionisio, Parañaque City.
“I extend the gratitude of the national leadership to all PNP Units, partner agencies, NGOs, LGUs, and volunteers for making this happen. These best practices shall henceforth be our template in similar public safety operations for upcoming major public events,” ayon kay sa kalatas.
“These police units will remain in their posts until public activity has returned to normal,” dagdag pa niya.