PNOY pumanaw

SUMAKABILANG-buhay ang dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III Huwebes ng umaga sa Capitol Medical Center.

Kinumpirma ng dating Presidential legal adviser ni dating Pangulong Cory Aquino, na si Adolf Azcuna ang pagpanaw ni Noynoy.

Sinasabing inatake umano sa puso ang dating pangulo at isinugod sa ospital.

Isasailalim din ang katawan ng dating pangulo sa COVID-19 test. At sakaling mag-negatibo umano ito, magdedesisyon ang pamilya para sa gagawing lamay.