INANUNSYO ng pamahalaang lokal ng Quezon City na bawal ang pagmanufacture, bentahan at paggamit ng mga paputok sa buong lungsod sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Papayagan lamang ang fireworks display ngunit ito ay sa mga pampublikong lugar lamang na aprubado ng pamahalaan.
“Private households are hereby prohibited from using firecrackers and staging their own fireworks display,” ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Sabado kasabay ang paglalabas ng Executive Order No.54, S-2022 na siyang nagtitibay ng kautusan hinggil sa hindi paggamit ng paputok at fireworks ng publiko.
Ayon kay Belmonte, nais ng lungsod na walang maitalang injury dulot ng mga paputok ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.
Noong 2021, naitala ang 47 percent na pagtaas ng bilang ng mga firecrackers at fireworks-related emergencies at injuries dahil sa unregulated and indiscriminate na paggamit ng paputok.
“We want to minimize, if not totally eliminate, the number of firecracker-related injuries and casualties. We also want to protect homes, commercial buildings and other structures against incidental fires and to lessen the harmful effects of hazardous chemicals and pollutants,” dagdag pa ni Belmonte.