MULING magpapatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis simula Martes.
Base sa ulat, aabot ng P1.90 hanggang P2.10 kada litro ang ibababa sa presyo ng gasolina, samantalang mula P1.70 hanggang P2.00 kada litro naman ang bawas-presyo sa diesel.
Tinatayang P1.30 hanggang P1.60 kada litro naman ang ibabawas sa presyo ng kerosene.
Ito na ang ikalimang linggo na magpapatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis.
Sinabi ng Department of Energy (DOE) na ito’y bunsod na rin ng patuloy na pagbaba ng konsumo sa China dahil sa isinasagawang lockdown bilang bahagi ng zero Covid policy nito.