INAPRUBAHAN ni Interior Secretary Eduardo Año ang pagpapalawig ng pamamahagi ng ayuda sa Metro Manila hanggang Setyembre 10.
Iginiit ni Año na ito na ang pinal na extension na kanyang papayagan.
“‘Yung iba kasing taga-distribute sa ilang LGU, tinamaan din ng COVID eh, Delta variant, so napilayan sila. Tapos yung ibang beneficiaries din may COVID din, naka-quarantine,” paliwanag ni Año.
Sa ngayon, umabot na sa 10,663,537 ang mga nakatanggap ng ayuda sa Metro Manila.