HInihintay na lamang nii newly appointed PNP Chief General Guillermo Eleazar ang rekomendasyon ng Korte Suprema hinggil sa paggamit ng body camera ng mga pulis sa gitna ng mga operasyon.
Ayon kay Eleazar naniniwala sila na payag ang Korte Suprema sa paggamit ng body cam ng mga pulis habang nagsisilbi ng search warrant.
Naniniwala naman ang iba na dapat ay depende sa sitwasyon ang paggamit nito.
Pahayag pa ng opisyal ang body cam ang siyang nagbibigay ng proteksyon hindi lang sa pulis kundi sa taong pagsisilbihan ng warrant dahil magiging transparent ang buong operasyon.
Ayon sa datos, nakabili na ang PNP ng 2,696 body-worn cameras at mga accessories nito mula sa EVI Distribution, Inc. sa San Juan City.
Tig-16 body cams anya ang ibibigay sa bawat major police stations, walo rito ang ilalaan sa pagpapatrolya at walo naman sa pagsisilbi ng warrant.
Larawan mula sa GMA7