SA ikalawang pagkakataon ay ipinagpaliban ng korte ang pagbasa ng sakdal kay Chao Tiao Yumol, na nahaharap sa kasong tatlong counts ng murder, frustrated murder at carnaping makaraang mamaril sa Ateneo de Manila University noong July 24.
Itinakda ang arraignment sa November 11.
Ayon sa Quezon City Court Regional Trial Court Branch 98, ipinagpaliban ang pagbasa ng sakdal dahil hindi pa isinusimite ng
National Center for Mental Health ang report nito ukol sa mental condition ni Yumol.
Matatandaan na sinabi ng abogado ni Yumol na kailangan masuri ang kanyang kliyente dahil nagpapakita ito ng sintomas ng pagkabaliw.
Nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology si Yumol, isang doktor.
Binaril at napatay ng doktor sina Rosita Furigay, dating alkalde ng Lamitan City, Basilan; Victor Capistrano, executive assistant ni Furigay; at ang ADMU security guard na si Jeneven Bandiala.
Dadalo sa graduation ng anak na si Hannah si Furigay nang magpaputok si Yumol.