ITINAAS na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) bilang isang super typhoon ang bagyong si Egay kaninang alas-8 Martes ng umaga habang patuloy ang pagbabanta nito sa northern Luzon.
Namataan ang sentro ng Super Typhoon Egay 310 kilometro (km) silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, na may lakas na hangin na aabot sa 185 km kada oras malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 230 km kada oras.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 3 sa Babuyan Islands, northern at eastern portion ng mainland Cagayan, northeastern portion ng Isabela at northern portion ng Apayao.
Signal number 2 naman sa Batanes, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, northern portion ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, northern portion Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at northern at central portion ng Aurora.
Samantala, nakataas naman ang signal number 1 sa Metro Manila, La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Aurora, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, at Ticao Island at Northern Samar.