NAKUMPISKA ng mga otoridad ang P4 milyong halaga ng shabu na itinago sa sterilizer matapos ang isinagawang operasyon sa Las Piñas City Huwebes ng gabi, 28 April 2022.
Arestado rin ang dalawang kumuha ng package, kabilang na ang isang Nigerian.
Sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na isinagawa ang operasyon alas-8:20 ng gabi matapos tanggapin ng isang residente ng Pasay City at isang Nigerian ang isang package sa Marcos Alvarez Ave. kanto ng Veraville Homes, Talon Singko Las Piñas City.
Ayon sa BOC, nanggaling ang package sa Laos at idineklarang electric steamer.
Umabot sa 588 gramo ng shabu ang nakumpiska na nagkakahalaga ng mahigit P4 milyon.