NAKUMPISKA ng mga otoridad ang 100,000 kilo o 100 tons ng puting sibuyas na nagkakahalaga ng P30 milyon ang nakumpiska mula sa apat na 40-footer container vans.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary James Layug na nakatanggap sila ng intelligence report na may mga misdeclared na mga container vans.
Ayon kay Layug isang composite team mula sa DA, Bureau of Customs at Philippine Coast Guard ang nagsagawa ng inspeksyon sa mga container van.
Idinagdag ni Layug na idineklara ang laman ng mga container van bilang “bread at pastries.”
The discrepancy in the import documents of said shipments presupposes that it did not undergo any food safety regulations. This poses a great risk to our consumers,” sabi ni Layug.
Aniya, irerekomenda ng DA sa BOC ang pagsasampa ng kaukulang kaso.