INAPRUBAHAN ni Pangulong Duterte ang paglalaan ng P2.5 bilyong Pantawid Pasada at P500 milyong fuel discount para sa mga mangingisda at magsasaka sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ang nasabing aksyon ng pangulo, ayon kay Acting presidential spokesperson Karlo Nograles ay batay sa naging rekomendasyon ng Department of Energy (DOE).
“The DOE will continue to monitor the sufficiency in supply and quality and will make sure there will be no short selling,” sabi ni Nograles.
Kasabay nito, nanawagan ang Palasyo sa Kongreso na repasuhin ang Oil Deregulation Law.
“…particularly provisions on unbundling the price, and the inclusion of the minimum inventory requirements in the law, as well as giving the government intervention powers/authority to intervene when there is a spike and/or prolonged increase of prices of oil products,” aniya.