MAY alok na P1,000 si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa sinumang makapagtuturo sa mga pamilyang tumatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kahit hindi kwalipikado.
Ayon kay Tulfo, mayroong isang milyon
benepisyaryo sa 4Ps na hindi kuwalipikadong makatanggap ng tulong ng pamahalaan.
Aniya, panahon na para alisin sa listahan ang mga pamilya na namumuhay nang maayos pero nakakatanggap pa rin ng benepisyo ng 4Ps dahil maraming deserving ang nasa waiting list.
Araw-araw, dagdag ng Kalihim, ay marami ang tumatawag sa hotline ng Department of Social Welfare and Development para ireklamo ang mga benepisyaryo na hindi umano kwalipikado.
Mas marami naman ang tumatawag din sa kagawaran para sa sabihin na kwalipikado sila pero walang natatanggap na ayuda, dagdag niya.
Sinabi ni Tulfo na bago mabigyan ng P1,000 pabuya ang isang tipster kailangan munang masiguro o mapatotohanan ang reklamo.