P1B shabu sakote sa Parañaque, Cavite

MAHIGIT 155 kilos ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1 bilyon ang nasakote ng pulisya Linggo ng hapon sa Paranaque at Cavite, na ikinaaresto rin ng dalawang Chinese.

Isinagawa ang magkahiwalay na buy-bust operation alas 3:30 ng hapon at alas-4 ng hapon.

Naunang nasamsam ng mga otoridad ang 38 kilo ng hinihinalang shabu sa parking lot ng isang shopping center sa Brgy. Baclaran, Parañaque na tinatayang mayroong street value na P257.8 milyon kay Zhi Zun Chen, 38.

Makatapos nito, nasakote naman ang 117 kilo rin ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Villa Nicacia, Tanza Numa 6, Aguinaldo Highway sa Imus, Cavite, na ikinaaresto ng 37-anyos na si Man Kuok Wong.

Tinatayang nasa P796 milyon ang halaga ng drogang nakumpiska kay Wong.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek habang inihahanda ang mga kaso sa kanila.