POSIBLENG ibalik na ang pagpapatupad ng number coding sa Metro Manila bunsod na rin sa lumalalang trapik dahil sa pagluwag ng mga restriksyon, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.
Sa panayam ng DZMM, idinagdag ni Abalos na maaaring simulan ito mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
“Well, baka this week pero baka gagawin lang po namin on a certain time lang, lalo na yung hapon, yung 5 to 8 probably para sa ganun, kasi karamihan sa atin iisa lang ang kotse,” sabi ni Abalos.
Idinagdag ni Abalos na hindi naman sakop ng number coding ang mga pampublikong sasakyan gaya ng taxi.
“Ie-exempt namin ang taxi, public utilities. Isasangguni namin sa mga mayors, para magkaroon ng resolution ang mga mayor,” dagdag ni Abalos.