TATAAS muli ang presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Enero 3, 2023.
Batay sa ulat, tataaas mula P2.50 hanggang P2.80 kada litro ang presyo ng gasolina samantalang aabot naman sa P2.10 hanggang P2.40 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel.
Samantala, aabot naman sa P2.80 hanggang P3.00 ang itataas sa presyo ng kerosene.
Inaasahan naman bababa ang presyo ng liquified petroleum product (LPG) mula P3 hanggang P3.50 kada kilo. Aabot ng 11 kilo ang isang tangke ng LPG.