UMABOT na sa 2,119,878 ang nagparehistro para sa Sangguniang Kabataan (SK) at barangay election, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco na nalagpasan na ng poll body ang target nito na dalawang milyong bagong botante.
“As of July 20, 15th day of registration, lampas-lampas na po tayo sa ating projected target. Umaabot na po sa 2,119,878 ang ating mga nagpatala na bagong botante,” sabi ni Laudiangco.
Sa tala, umabot sa 1,326,415 na edad 15 hanggang 17 ang nagparehistro, samantalang 680,497 naman ang edad 18 hanggang 30 at 112,966 ang edad 31 pataas.
“Based on historical records ay aabot lamang tayo humigit-kumulang isang milyong bagong magpapatala. Lumampas na po tayo doon at ngayon nga po nalampasan na rin natin iyong dalawang milyon ng pagpapatala po ng mga bagong botante,” aniya.
Magtatapos ang voter’s registration ngayong Sabado, Hulyo 23, 2022.