HINAHANTING na ng otoridad ang umano’y nagbebenta ng vaccination slot sa Mandaluyong.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson Jonathan Malaya, kilala na nila ang suspek pero binura na nito ang mga kanyang mga social media accounts kaya hindi na mahagilap.
Pero inamin ni Malaya na hindi sila sigurado kung scam lang ang alok o konektado ang suspek sa lokal na pamahalaan kaya malakas ang loob nitong magbenta ng vaccination slot.
Hindi naman pinangalanan ng opisyal ang salarin.
“Lahat po ng mapapatunayang may kinalaman dito ay puwedeng makasuhan ng estafa, puwedeng makasuhan ng fraud, violation ng ordinansa. All of those who are proven to have been involved in this scam or illegal activity will be prosecuted with the fullest extent of the law,” dagdag ni Malaya.